Awww. Binlock na ako ni Yvonne “The 12y/o UST Basher” sa Facebook.
Ang ganda pa naman sana ng convo namin.
Hello Yvonne! :) You can call me Ate Cheng or simply CHENG if you want. Pwede ring STRANGER. :)
I read your Tumblr post regarding UST. Alam mo, nakakarelate ako sa iba mong sinabi na may mga taong ipinagyayabang ang pagkapasa nila sa mga ‘so-called’ prestigious school ng Philippines. I did passUSTET but my bestfriend didn’t. It was really heartbreaking for me na hindi ko makakasama ang bestfriend ko sa dream school ko. Yes, dream school ko ang UST maybe because I was raised in a Catholic Institution kaya alam kong hindi na ako mahihirapang mag adjust.
Kaya naman nalulungkot ako pag may nakikita ako sa UST na hindi nag aaral ng mabuti at nagpapakasaya lang. Iniisip ko, sana yung slot na yun napunta na lang sa bestfriend ko. Mas deserve niya yun. Pero narealize ko eventually as time goes by, may reason si God bakit hindi siya pumasa. Nasa FEU siya ngayon and may mini rivalry between FEU and UST. Uso ang trashtalking noon. Pero mas naging matibay kami ng kaibigan ko dahil sa pagkakalayo namin. Narealize ko na hindi school ang magiging hadlang sa friendship namin.
Bakit ko ‘to sinasabi? Gusto ko lang maintindihan mo na at some point of your life, may makikilala kang mga tao na sa masasabi mong hindi nila deserve ang posisyon nila. Mga honor student na nagchecheating, mga babaeng puro landi lang pero minamahal ng crush mo, mga mayayamang hindi naman pinaghirapan ang ‘yaman’ nila. Pero may rason ang lahat kung bakit sila nilagay dun.
Sabi mo, Atheist ka. Nirerespeto ko yun. Kung ano man ang external factors na kumokontrol sa mundo, hindi natin yun magagawang baguhin. Ang tanging magagawa lang natin ay piliin kung ano ang tama at piliing maging malaya ng hindi nakakasakit ng iba. Maraming mananakit sa buhay mo pero wag mo silang hayaang saktan ka. At mas lalong hindi naitatama ang isang mali ng panibagong pagkakamali.
Bata ka pa and use your life wisely. Nung kaedaran mo ako, ganyan din ako kaopinionated. Ang mentality ko rin noon eh “Opinyon ko po ito, pakirespeto please” Pero pagdating ng araw, unti unting nag sink in sa akin ang reality na Oo, naeexpress ko ang sarili ko ng walang takot pero unti unting nawawala ang mga tao sa paligid ko lalo na ang mga kaibigan ko. Sa pagiging opinionated ko, nasasaktan ko na ang mga taong mahal ko at nagpapahalaga sa akin. AT MAS LALONG NASASAKTAN KO ANG SARILI KO.
Ayokong mangyari yun sa’yo. Biktima ako ng Bullying noon. Kaya nga natuto akong lumaban at wag papaapi. Pero sa tuwing naaalala ko yung panahon na nakakasakit ako para lang maitaas ang dignidad ko, sa tuwing humaharap ako sa salamin, nakikita ko ang mga taong bumully sa akin nung bata. Wala na akong pinagkaiba sa kanila. At hanggang ngayon, may bahid pa rin ng pagsisisi pero ginamit ko yung experience na yun to be the better person. Hindi ako magpapabully pero hinding hindi ako mabubully. Dahil alam ko mismo ang feeling na nasasaktan. Tinry kong maging ‘masochist’ tulad mo pero kahit anong gawin ko, may tatagos at tatagos pa ring pakiramdam. At yung PAIN na yun, ginawa ko siyang HAPPINESS. I’m changing for the better.
Gusto kong pahalagahan ang mga tao sa paligid ko habang gumagawa ng kung ano ang tama. At hindi ako naging ganito dahil sa eskwelahang inaaralan ko. Naging ganito ako dahil PINILI kong maging ganito.
Kalokohan lang ang SCHOOL-STEREOTYPING.
Oo, masyadong ‘religious’ ang image ng USTe but my school is more than that. Hindi lahat ng tao dun, ‘religious’. Baka nga isa ako sa mga taong tinutukoy mong ‘squatter’. Yun eh depende sa opinyon mo. :) Nagmumura ako ng sobra sobra pag nabibigla at naiinis sa buhay. Hindi ako madasalin pero mahal ko ang Diyos ko. Yung mga ‘fans’ niya ang nagpapapangit ng image niya pero iba ang “Diyos” ko. Hindi porket mga impokrito ang mga naniniwala sa kanya eh impokrito na din siya. Tulad din ng sa UST, hindi porket may nakilala kang’ Squatter’ dun, ganun na kaming lahat. Lahat tayo may flaws bilang isang tao. Wala yan sa school, nasa sayo yan. Kung magiging matagumpay ka sa buhay, yun eh dahil sa pagsisikap mo, hindi dahil sa institusyong pinasukan mo.
Naniniwala ako sa kakayahan mo. No guts, no Glory. No Pain, No Gain. Hindi ako galit sa’yo dahil sa sinabi mo sa UST. Sabi ko nga, alam kong may malalim kang DAHILAN kung bakit mo yun nasabi. Dahilang hindi alam ng mga taong humuhusga sa sinabi mo.
Hindi pa huli ang lahat. Sana wag kang magalit sa pakikipag usap ko sa’yo. Pero sa hindi ko malamang dahilan, nakikita ko noon ang sarili ko sa iyo. Alam kong stranger pa rin ako sa panigin mo pero kung ano man ang problema mo, makikinig ako sa’yo at pinapangako ko sa’yo na iintindihin kita.
Kung binasa mo to hanggang dulo, Thank You. Pinakinggan mo ako. At kung ano man ang irereply mo dito, tatanggapin ko. :)
Nagreply naman siya:
First, I don’t know how you found my blog on Tumblr. I don’t really care about the UST. :) I made that post for my friends and classmates who are bitter about the result of UST.
Like I said, I don’t deserve to be in UST. :) So, I really have no personal problems about the school. I don’t like UST for some political reasons. :)
You talking to me won’t make me mad. :) That’s a shallow thing to do. HAHA. I like talking to strangers. :)
And yes, I read it ‘til the end. :>Screencap:
HINDI DAW NIYA ALAM BAKIT KO NATAGPUAN TUMBLR NIYA. Hala.
Edi ayun, sinabi ko sa kanya na kumakalat na yung post niya. Ayun, binlock na niya ako.
Hay. Nag open up pa man din ako sa kanya para matulungan siya maintindihan lahat. :( Well, atleast I tried. I’ll just pray for her. Mukhang mapaparami ang asa block list niya sa FB. :o







