So how’s the entrance test results? :)
Congratulations to those who passed! :)
(Special mention ang mga Future Thomasians!)
At dun sa mga hindi pinalad, makakaya nyo din ‘to. God has a plan for you. Maybe you are not meant in that University. Hindi naman yung University ang magpapasaya ng College Life mo kundi ikaw mismo. Kung paano mo harapin ang lahat.
High School ang pinakamasaya. Ang College masaya din pero tandaan mo lahat sa College may PAGDURUSA. Kung dito pa lang sa pagpili ng pintuang papasukan mo, susuko ka na, eh wala na. Kanya kanyang mundo yan. Ikaw ang bahala kung paano ka magiging masaya sa mundo mo.
Eh so what kung hindi ka pumasa. Siguraduhin mo munang gagraduate ka ng High School at mag aaral kang mabuti sa Kolehiyo. Maraming nakapasa diyan at nakapag aral sa mga prestihiyosong eskwelahan pero sinayang lang nila ang oportunidad. Nagbulakbol, nagloko, nagsayang ng matrikula. Nakapasok nga sila, MAGANDA BA BUHAY NILA?
Ang tunay na laban eh nasa paglabas mo sa mundo ng paaralan. Kaya kung ako sa’yo, kayanin mo na ngayon pa lang. Marami ka pang haharapin. Walang wala pa to sa mga shits ng College Life.







